Kwaho: Ang Buhay ay Isang Sugal

Thursday, October 14, 2004

Lalaki Ka Nga

LALAKI KA NGA, kreyzblue, Oct. 10

macho gwapito awitin mo sa bar
suot mong polo'y bukas ang harap

sandatang bakat sa pantalo'y mayabang
ikaw ay lalaki sa sukat at galaw

swing at cha-cha kaya mong maniin
sa dancefloor ng buhay sisiw na sisiw pa rin

swabeng swabeng indak, wala ka sa lusak
ikaw ay lalaki, 'yan ay tiyak!

di ka napigil ng isang Martial Law
sa pagsampa sa kama, ikaw'y naka-tatlo

galing sa sayaw, giniling sa kumot
s'ya ay babae, mapusyaw ang tulutot

punlay na mabagsik, kambal ang hinabi
sa kahihiya'y pinaglihi, amang walang silbi

bente anyos mong tiniis, iyong mga supling
dahil ikaw ay lalaki di marunong mahabag
walang laman ang puso, nasa ulo ang bayag.